Hero Background

How to
Buy & Sell

Paano bumili at magbenta ng game account sa Midman PH, step by step. Sa Midman ang bayad, sa admin ang account, kaya walang maloloko.

Kailangan bang mag-login?

Oo, buyer man o seller. Mag-login o mag-sign up muna gamit ang Google o email. Kapag binuksan mo ang trade link nang hindi naka-login, dadalhin ka sa login page at babalik ka sa trade pagkatapos.

How to buy (Paano bumili)

  1. Log in or sign up. Buksan ang trade link na binigay ng seller, o maghanap ng account sa Browse. Kailangan mong naka-login para makita ang trade. Kung wala ka pang account, mag-sign up gamit ang Google o email. Babalik ka agad sa trade pagka-login.
  2. Join the trade. I-tap ang "Join as Buyer." Ikaw na ang buyer, at hindi na makikita ng iba ang listing habang hinihintay ang bayad mo.
  3. Pay within 24 hours. Magbayad via GCash sa official Midman PH number na 0956-633-6432 (nakalagay rin sa trade room), eksaktong halaga ng trade. Sa Midman ka magbabayad, hindi sa seller. May 24 oras ka para magbayad; pagkalipas nito, pwede kang i-drop ng seller.
  4. Submit your proof of payment. Ilagay ang reference number at i-upload ang screenshot ng resibo, tapos i-tap ang "Submit Payment." Isang beses lang pwedeng gamitin ang bawat reference number.
  5. Wait while we secure the account. Iche-check ng admin ang bayad mo. Pagkatapos, kukunin namin ang account sa seller at papalitan ang password, email at recovery details para hindi na ito mabawi ng seller.
  6. Get your new login. Lalabas sa trade room ang bagong username at password. Mag-login sa game, palitan agad ang password, at i-bind ang sarili mong email o number.
  7. Confirm and complete. I-tap ang "Confirm Access & Complete." Saka pa lang ibibigay ang bayad sa seller, kaya protektado ka hanggang dulo.

Mga dapat tandaan ng buyer

  • Sa trade room chat lang makipag-usap sa seller at admin.
  • Huwag magbayad nang direkta sa seller, kahit anong sabihin nila.
  • Kapag umalis ka sa trade, hindi ka na makakabalik sa listing na iyon.
  • Hanggang 2 unpaid na trade lang ang pwede mong hawakan nang sabay.

How to sell (Paano magbenta)

  1. Log in and verify your ID. Mag-login at pumunta sa Sell Account. Sa unang beses, mag-upload ng valid ID. Ive-verify ito ng admin bago ka makapag-list.
  2. Create your listing. Ilagay ang game, title, presyo at details ng account, gaya ng rank at bilang ng skins.
  3. Share your trade link. I-copy ang link sa trade room at ibigay sa buyer, o hintayin silang makita ang listing mo sa Browse.
  4. Hand the login to the admin. Kapag na-approve ng admin ang bayad ng buyer, ilagay sa trade room ang login ng account. Encrypted ito at admin lang ang makakakita, hindi ang buyer.
  5. We secure it for the buyer. Papalitan ng admin ang password at email ng account, at ibibigay sa buyer ang bagong login.
  6. Get paid. Kapag nag-confirm ang buyer na nasa kanya na ang account, ire-release namin ang bayad mo.

Tip para sa seller

Kung hindi nagbayad ang buyer sa loob ng 24 oras, may lalabas na "Drop Buyer & Relist" button sa trade room para ibalik ang listing mo.

Frequently asked questions

Kailangan ko bang mag-login para bumili?

Oo. Kailangan mong naka-login para makita at ma-join ang trade. Libre ang pag-sign up, gamit ang Google o email, at babalik ka agad sa trade pagka-login.

Do I need an account to buy a game account on Midman PH?

Yes. Trade rooms are only visible to signed-in users. Sign up for free with Google or email; after logging in you are sent straight back to the trade link you opened.

Kanino ako magbabayad?

Sa Midman PH, hindi sa seller. Ang official GCash ng Midman PH ay 0956-633-6432, at ito rin ang nakalagay sa trade room mo. Huwag magbayad sa ibang number, kahit sabihin pa ng kausap mo na galing ito sa Midman.

Gaano katagal bago makuha ang account?

Karamihan ng trade ay natatapos sa loob ng 24 oras. Depende ito sa bilis ng pagbayad ng buyer at pag-submit ng account ng seller.

Paano kung hindi tugma ang bayad o reference number?

Ibabalik ng admin ang trade sa buyer para magbayad o mag-submit ulit ng tamang proof. Makikita ang dahilan sa trade chat.

Paano kung hindi magbayad ang buyer?

May 24 oras ang buyer para magbayad. Pagkalipas nito, may lalabas na "Drop Buyer & Relist" button sa seller para ibalik ang listing sa marketplace. Hindi na makakabalik ang buyer na na-drop.

Pwede ba akong umatras bilang buyer?

Oo, bago ka magbayad: i-tap ang "Leave Trade" sa trade room. Hindi ka na makakabalik sa listing na iyon. Kung nakapagbayad ka na, mag-message sa admin sa trade chat.

New to midman trading? Read what a midman is, how to avoid midman scams, and our safety guarantee.

100% Secure Escrow Service

Ready to Start Trading?
Join 10,000+ Filipino Gamers

Experience the safest and fastest way to buy and sell gaming accounts in the Philippines. No risk, fully verified, instant transfers.

Stay Updated with Latest Deals

Get notifications about new accounts, price drops, and exclusive offers.